Saturday, May 5, 2018

11:11




"Soulmate. Twin flame"

Korni no . Naniniwala kaba ? Ako kasi hinde - dati .

Hanggang sa nakilala ko sya. Yung isang taong nakatadhanang makilala mo kahit hindi mo hinihiling. Bigla nalang lilitaw na parang kamote para guluhin lahat pati  pananaw mo sa buhay. Magbibigay sayo ng sobrang kakaibang pakiramdam na hindi mo maintindihan. Pero nakakaadik . Sobrang nakakaadik na hahanap hanapin mo. Magiiwan sayo ng mga alaalang alam mong kahit sa pagputi ng mga buhok at pagkulubot ng balat mo e hinding hindi mo makakalimutan.

Hihilingin mong sana e hindi na sila umalis sa buhay naten. O kung umalis man sila iisipin mo na sana hindi mo nalang sila nakilala. Kaso hindi naten hawak ang tadhana. . . Kung magsstay sila, magsstay sila . Kung aalis sila , aalis sila. Wala namang sure sa mundo e. Kagaya nya, naglaho din parang bula.

August 28. Sobrang bagot ako , kailangan ko ng kausap pero wala akong makausap . Online ako maghapon pero wala naman akong mga kaibigan na makachat. Nasa bahay lang din buong araw pero wala naman mga tao . Hanggang naisipan ko maglaro ng online game (mobile legends) haha . Ilang oras ng paglalaro hanggang may bigla nalang lumabas na ad. Dating site MEETME.

ANA MARIE ORTIZ

Diko alam kung anung meron sa pangalan na yun o kung may tao ba talaga na ganun ang pangalan at kung bakit yun ang naisipan kong gamitin bilang poser. "Usap lang pang alis ng bagot".

Masarap mangtrip nun. Inaasar ko yung mga nakakachat ko. May mga nagsesend din ng nudes, pinagttripan ko . Yung iba naman binabadtrip ko. Tuwang tuwa ako twing nalalaman kong naiinis ko sila. Pakiramdam ko nagwagi ako kasi may nasira akong araw haha. Alam ko kasi na wala namang seryosong lalaki ang maghahanap ng seryosong karelasyon sa isang dating site . Na kagaya ko andun lang sila para mangtrip. Ilang sandali pa ng pakikipaglokohan. Isang chat ang umagaw ng atensyon ko.

" Hi nice to see you here . New ka lang ba dito?"

-- Hindi ko alam kung anong kakaiba sa dalawang pangungusap na yun at bigla kong naisipang makipagusap ng matino. Oo may itsura sya base sa picture na nakadisplay sa profile nya. Pero hindi yon ang pinagbasehan ko. Sa totoo lang e hanggang ngayon ay hindi diko parin alam kung ano nga bang pinagbasehan ko. Mula sa pangalan hanggang sa trabaho at libangan . Nauwi sa pangalan ng alaga naming aso, mga lugar na napuntahan hanggang sa kung naulan daw ba sa Valenzuela.  Napakapamilyar netong taong to na para bang hindi yun ang una naming paguusap. Na para bang pwede kong ikwento ang buong buhay ko sa isang gabi lang na yon. Ginusto kong tapusin ang usapan namen dahil parang lumalalim ang pinatutunguhan ng bawat pag click ko sa SEND button ng chatbox. Pero hindi ko rin magawang huminto. Nagpatuloy sa pag sagot sa mga tanong na binabato nya saken. Natapos ang araw , ilang oras na magkausap. Hanggang sa nakangiting napahiga sa kama.

"Hihintuan ko na to bukas " . Nabulong ko nalang. Na akala ko magagawa ko pero mali ako .

Isang linggo pa ang kumapiras na magkausap araw araw mula alas 8 ng umaga hanggang alas 12 ng hating gabi. Usapang tungkol sa mga corni jokes at kalokohan. Mga pangarap sa hinaharap. Tongue twister challenges gaya ng minikaniko ni moniko haha. At marami pang iba. Napakanatural ng lahat. Hindi pilit. Para bang matagal na kaming magkakilala na hindi lang nagkikita. Nagdesisyon akong burahin na ang account ko at mamaalam na sakanya. Sa kabila ng lahat ng nararamdaman ko. Ayokong magsimula ng isang bagay na alam kong walang kahihinatnan, walang patutunguhan. Desidido na akong lumayo. Binigay nya lahat ng contacts nya sa social media sites at lahat ng phone numbers nya. Para kung sakaling magbago ang isip ko.  Ang hirap umiwas. May kung anong pumipigil sa akin para tuluyan ng lumayo. Hanggang diko nakayanan. Nagtagumpay ang tadhana. Ang dating paguusap lang sa social media, nauwi sa unang pagkikita.

Pagkikitang naulit at naulit. Mga pagtitinginang lumalim ng lumalim . At yung pakiramdam na gustong umiwas at lumayo, napalitan ng sana wag ng matapos.

Napakasaya tuwing kasama ko sya. Nakakapaso ang bawat dampi ng mga labi nya. Bawat haplos ay nakakapagpahina sa mga buto ko. Mga yakap na nagpapahiwatig na ligtas ako at walang pwedeng manakit sa akin. Napakakomportable sa pakiramdam. Hindi pa ako nakaramdam ng ganong klaseng comfort sa isang tao. Para akong at home-- na doon talaga ang lugar ko. Sa tabi nya.

Walang ilangan, walang hiyaan. Mga tahimik na titigan na pwedeng tumagal ng ilang minuto. Mistulang mga salamin ang mga mata nya, nakikita ko ang sarili ko." I see a part of me in you". Natatandaan kong sinabi nya . Totoo parang matagal ko na syang kakilala. Parang nagkita na kame noon pero hindi ko lang matandaan kung kelan. Maging ang mga nararamdaman nya ay nararamdaman ko. Alam ko kung kelan sya masaya. Alam ko kung kelan sya malungkot at kinakabahan. Nakikita ko din ang mga iniisip nya. Hindi ko alam kung paano pero nangyayari talaga. Pakiramdam ko pwede kong ipakita lahat ng kung ano ako na hindi mahuhusgahan . Alam ko matatanggap nya lahat lahat ng kung ano ako at ganun din ako sakanya. Tanggap ko lahat ng kung anong meron sakanya. Mahal ko lahat ng kung ano sya. Hindi sya perpekto. Hindi sya ang eksaktong dream guy na hinihiling ko noon, pero alam ko na sya yun -- Mararamdaman pala talaga sa puso.

Ako na siguro ang pinaka realistang tao na makikilala mo. Ni hindi ako naniniwala sa mga fairytales simula pa nung bata ako. Ni hindi ko din ugaling manood ng romantic movies dahil pakiramdam ko e hindi naman talaga nangyayare sa totoong buhay. Pero sa unang pagkakataon, naramdaman ko. Naniwala ako. May mga tao talagang nakatadhana para sa tin. At kung maswerte ka, makikilala mo sya. At kung mas maswerte ka, makikilala mo sya sa panahong pwede kayong dalawa. At hindi mo maiintindihan ang sinasabi ko hanggat di mo pa mismo naranasan. Mahirap ipaliwanag. Mahirap intindihin. Hindi lust, hindi infatuation. Hindi din ako sigurado kung ano.

Tatlong bwan ang natapos. Tatlong mamasayang bwan na punong puno ng love, connection at intimacy. Napaka perfect ng lahat. Parang nakatadhana. Parang fairytale. Parang isang senaryo na sa pelikula mo lang makikita. Bilang lang sa kamay yung mga pagkakataon na nagkatampuhan. Dalawa nga lang ata. Gigising sa umaga at matutulog sa gabi na masaya lang. Alam ko sakanya ako magiging pinakamasaya. At kung dumating yung panahon na magkakatuluyan kami, alam ko masaya lang araw araw. Pero hindi ko naiwasang matakot. Hindi ko naiwasang magduda. Nangyayari ba talaga to sa totoong buhay o nabubuhay lang ako sa pangarap.

5 pelikula, 2 out of towns, 1 concert, 3 staycations, 1 amusement park, at halos 28 beses na pagkikita. Natapos ang lahat. Isang iglap bumalik ako sa realidad ng buhay. Bumalik sa kung saan nagsimula ang lahat. Sa ako, na bagot at mag-isa...

Nakakadurog ng puso. Nakakamatay yung sakit. Sakit sa paghahanap ng sagot kung bakit. Ano nga bang mali? Hindi nga ba nakatadhana, o hindi mo lang pinaglaban? Wrong timing nga lang ba o wrong choices? Tama nga ba yung naging desisyon mo na pakawalan yung susi mo sa kaligayahan para magpasaya ng iba? Hindi mo ba pagsisisihan ang desisyon mo na wag makapanakit kaya sarili mo ang pinili mong saktan? Mapupuno ng tanong, mapupuno ng what ifs yung isip mo. Mga tanong na kailanman e alam mong hindi mo mahahanapan ng sagot. At kung mahanapan mo man , wala na ding saysay dahil nangyari na ang lahat ng nangyari.

Katumbas ng tatlong bwan na saya e yung tatlong bwan na sakit. Mga gabing kailangan kong uminom para lang makatulog. Pero di ko rin gustong gumising dahil sya lang ang naiisip ko. Bigla bigla nalang iiyak kahit sa mga sitwasyong hindi dapat --sa gitna ng trabaho, habang naghihintay ng bus pauwi,  habang nasa kalagitnaan ng interview para sa bagong trabaho, o kahit kasama ko yung mga kaibigan ko sa pagsasaya. Parang may namatay sa loob nung natapos ang lahat. Bigla nagbago ang takbo ng mundo.

Minsan natanong ko sa sarili ko . "Ako paba to?" . Hindi ko na makilala yung sarili ko dahil parang kinain ako ng sakit. Tatlong bwan na lutang. Naghahanap sa mga sagot na malabong magparamdam. Hanggang nagising nalang ako isang umaga. Nagising sa katotohan na may mga bagay talaga na hindi mangyayari sa paraan na gusto naten. At hindi naten maipipilit. Parang may sariling pwersa ang mundo at lahat ng nagyayari e nakabase sa pwersang yun. Mas naniniwala na ako ngayon sa fate at destiny. Minsan pala talaga kailangan mo lang hayaan ang tadhana at wag magalala sa kung anong mangyayare. Sabe nga nila "if it's meant to be, it will be. So let it be".

It's not a sad story but an example of how great love can be. Kung gano namen sinubukang labanan ang tadhana sa kabila ng napakaraming hadlang. Hindi kami nagtagpo sa panahong tama ang lahat. Pero kagaya nya, alam kong pinilit ko at ginawa ko lahat ng pwedeng gawin. Natutunan ko kung pano nga ba tunay na magmahal. It is not necessary to possess the people we love. Pwede naten silang mahalin at pwede tayong maging masaya para sa kanila kahit hindi natin sila kasama. Ngayon alam ko na kung gano ako katatag para malampasan tong heartache na to.

Tuwing maaalala ko ngayon lahat ng nangyari, puro saya nalang ang nararamdaman ko. Masaya ako na naranasan ko yung ganitong experience na minsan lang dumadating. Masaya ako na nakilala ko sya. Masaya ako sa lahat ng memories na meron kame. Masaya ako na napatunayan kong kaya kong magmahal ng unconditional yung tipong walang hinihiling na kapalit.

Para sayo ;

"Hiling ko na sana maging masaya ka sa araw araw. Dahil sa bawat pag ngiti ng mga mata mo, matandaan mo sanang mas masaya ako para sayo . . . Kung di man ngayon at hindi man bukas , ilang daan o libong taon man mula ngayon , alam ko dadating din yung panahon para satin. Kung saan walang hadlang at tama ang lahat. Mahal kita , mahal na mahal at kelan man, nasaan ka man o sino man ang kasama mo , hinding hindi mawawala " .



( Based on a true scenario o hindi. Ikaw na magdecide)

Wednesday, October 5, 2011

PAINFUL LOVE

Ember burning gold with sweetness
Myriad angels bear
Imbued with a heart of kindness
Radiant maiden fair
Adored by a heart so pure





Sought by a love to endure
Amber of joyful memories
Memories of joyful pain
Pain of empailing melodies
Awakened harmonies in the rain
Nourished by a caring whispher

Imprinted on a false laughter
Lured in a heart so tender
Undying... hurting forever


did you see the hidden message?

By the way this was written by a fan . Lol

Monday, October 3, 2011

ANGHEL DELA GUARDIA





"Alam ko dadating din ang panahon na muling magbubunggo ang landas naming dalawa... at kapag dumating ang pagkakataong iyon, hindi na uli ako makapapayag na iwanan nya..."

Halos lahat naman tayo dito siguro ay naranasan ng MAGMAHAL. Pagmamahal sa Diyos, pamilya, kaibigan, walang kamatayang CRUSH, kapitbahay, fishball vendors, guro at marami pang iba.  Pero sa lahat ng taong minahal mo, nakita mo na ba yung taong nilaan ng Panginoon para sa'yo? Yung taong makakasama mo habang buhay sa masasaya at malulungkot na pagkakataon? Yung taong magiging kahati ng buong pagkatao mo? Ako kasi nakita ko na sya... kaso bigla syang nawala.

8 years ago noong una ko syang makita. Hindi ko inaasahang ganoon nalang kalalalim ang gagawin nyang marka sa puso ko habang pinagmamasdan ang walang kalaman laman nyang katawan, ang maluwag na damit na nagbibigay sakanya ng hindi kaaya ayang kaanyuan, ang kanyang malasuper sayan na muka dala ng kanyang buhok na kasing taas siguro ng Mt. Taal, at ang kanyang mga mata na animo ay maliliwanag na bituin sa kalangitan. 

Hindi ko inakalang magiging malapit kami sa isa't isa. May pagka mahangin kasi ang awra nya at madalas kung mapagalitan ng aming mga guro. Pero bilib din naman ako sa ginawa nyang pagpapapansin araw - araw para lang makalapit sa akin. Andyan ang hilain nya ang buhok ko, batuhin ako ng mga binilog bilog na papel at ang parating pang aasar sa akin ng "Aling Rosa" - na syang pangalan ng aking tyahin na kumupkop sa akin. Nabubwisit ako tuwing ginagawa nya iyon. Isang araw, napagtatanto ko na nagkakalapit na kaming dalawa . Paminsan minsan ay nagagawa ko ng sumasagot sa bawat pangaasar nya. "TUKMOL" - yan ang kadalasang tawag ko sakanya. Sa mga pagkakataon namang may mga kamagaral akong bumubully sa akin ay lagi syang andyan para ipagtanggol ako.

Hanggang sa nagtagumpay na nga sya,hindi  nalang  namin namalayan na naging kumportable na kami at kalaunan ay tuluyan na ngang nagkahulugan ng damdamin (Oo ganun kabilis).Masaya kasi syang kasama, walang pagkakataon ang pinapalagpas nya ng hindi ako humahagikgik sa kakatawa, nagkukulitan at paminsan minsan ay naghahabulan pa na mistulang mga paslit sa buong kampus tuwing ginugulo ko ang buhok nya. Sabay kami lagi sa pagpasok hanggang sa paguwi kahit magkasalungat ang kanya kanyang daanan ng aming tahanan. Sa loob ng kampus ay parati kaming magkasama. Nagkapalagayan ng loob at nagambagan ng mga sikreto. Pangarap daw nyang maging isang piloto balang araw kaya minabuti kong mangarap na maging isang flight attendant. Maging sa mga pangarap ay sinigurado kong magkasama kami. Sa piling nya, ramdam kong mahalaga ako. Halos makalimutan ko na nga minsan na hindi lang pala kami ang tao sa mundo. Kumaripas ng lipad ang panahon, mas lumalim ang pagtitinginan naming dalawa. Sa mura kong edad noon na 17, nasaksihan ko ang tunay na kahulugan ng pagibig. Dumating sa puntong sya nalang ang tanging dahilan ng aking paghinga at bawat pagpintig ng aking puso. Pero hindi namin pinabayaan ang aming pagaaral. Bagkus ay pareho naming ginawang inspirasyon ang isa't isa para gawin ang lahat ng aming makakaya. Dalawa't kalahating taon ang lumipas... katumbas ng dalawang libong pangarap na magkasama naming binuo. Mga pangarap na naging rason para mas lalong akong gumawa ng mabuti...DAHIL SYA ANG PINAKAUNANG DAHILAN NG BAWAT TAGUMPAY NA MAKAKAMIT KO.

Hanggang sa hindi inaasahan, isang hindi malilimutang balita ang umere sa aking katinuan. Habang tinatahak nya daw ang landas pauwi sa kanilang tahanan, isang sasakyan ang bumawi sakanyang buhay... at tuluyang kumitil sa aking puso. Naisip ko rin noong magpatiwakal na lamang subalit alam kong hindi nya ikatutuwa ang bagay na iyon.May mga pagkakataong naramdaman kong wala ng saysay ang buhay ko gayong bigla nalang naglaho ang kaisa isang taong nabibigay pa sa akin ng lakas upang magpatuloy. May mga panahon din noong nawalan ng direksyon at kinwesyon ang Panginoon kung bakit kailangang mangyari ang bagay na iyon...  

Sa ngayon halos apat na taon na ang nakakaraan ngunit sariwa parin ang sugat at sa palagay ko ay hindi na kailanman maghihilom. Hindi na uli ako umulit magmahal. Pinipilit ko paring mabuhay at sa hinaharap ay matupad ang mga pangarap na binuo naming dalawa...ng magisa. Alam kong darating din ang pagkakataong magkikita kaming muli at sisiguraduhin kong sa mga panahong iyon ay hindi na kami magkakalayo pa.  Kahit hindi ko sya nakikita ay batid kong nandito lang sya parati sa aking tabi... nagbabantay... gumagabay at nangangalaga sa akin. Sya ang aking nagiisang ANGHEL DELA GUARDIA.

(based on a true story!)

Sunday, October 2, 2011

ANG MAAWAING PUSA

ISANG hindi buburang okasyon sa kalendaryo ng bawat estudyante kasabay ng hindi din mabuburang suliranin na dala ng nasabing kaganapan (sigurado) sa paghahanap ng maisusuot na kasuotan. Sino ba sa inyo ang hindi nakapagattend ng Buwan ng Wika sa kasagsagan ng pakikibaka sa Paaralan.Ngunit sino nga ba ang nagpasimuno ng nasabing pagdiriwang? Sino nga ba ang kailangang sisihin? (JOWKIE)



Bakit nga ba nauso ang pagsusuot ng Filipiniana ,Baro't saya at Barong sa tuwing darating ang Buwan ng Wika? Anong kababalaghan ang nababalot sa gawaing ito? Ikaw ba ang makakapagkamit ng Best in Filipinong Kasuotan sa darating na Buwan ng Wika? Masasagot nga ba ng mga mababasa mo sa mga susunod na talata ang mga katanungang ito? ABANGAN...

Alas nwebe na ng gabi, pero hindi parin ako dinadalaw ng antok. Pano ba naman kasi ay inaalala ko ang aking isusuot sa darating na pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Bakit ko ba naman pinuproblema ang katiting na bagay? Attendance lang naman at major requirement para sa Midterms ang mawawala sa akin sakaling wala talaga akong makita diba? Kaso wala trip ko talagang magalala. Pwede naman akong bumili, wala nga lang akong pambili. Pwede naman akong manghiram, kaso naisama na daw sa gyera noong World War 2 ang lahat ng Filipiniana at Baro't saya ng mga anak ng kalabasang napagtanungan ko. Kaya wala akong magawa kundi ang magisip... ng magisip... at magisip... kung anong mga numero ang lalabas sa jueteng mamaya. Ang kinakatakot ko lang ay baka ang mga anak ng baro't sayang ito pa ang maging mitsa ng aking pagbagsak sa Midterms. Siguradong hindi ko matatanggap ang bagay na iyon. Ilang minuto pa ng pagiisip ang nagdaan hanggang sa dumating ang kinabukasan. Kinakabahan na ako... at lalo pang lumalaki ang pagaalala. Last day nalang ng paghahanap hanggang sa ... TING! May isang napakabuting anak ng Diyos ang tumupad sa aking kahilingan. MAY NAGPAHIRAM SA AKIN NG FILIPINIANA at itago nalang natin sya sa pangalang Jessica Morales Castro (hi ate jess). At isa pang TING! dahil pinanghanap din pala ako ng aking butihing tiyahin ng isang ginintuang Baro't saya at may nahanap sya sa wakas.

Salamat sa Diyos at dininig nya ang aking mga panalangin. Subalit ngayon ay napalitan ng pagkalito ang kaninang pag aalala kung ano ang susuotin sa dalawa. :)

MORAL LESSON : HINDI LAHAT NG TITLE AY AKMA SA NILALAMAN NG ISANG KWENTO.